Ipinahayag nitong Miyerkules, unang araw ng Hunyo, 2016 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakatakdang idaos sa Biyetnam sa Hunyo 9, 2016, ang 12th Senior Officials' Meeting para tupdin ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea(DOC).
Sinabi ni Hua, na dadalo sa naturang pagtitipon si Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, kasama ng mga mataas na diplomata mula sa mga bansang ASEAN. Aniya, tatalakayin ng mga kalahok ang hinggil sa mga isyung may-kinalaman sa pagpapatupad sa DOC, pagpapasulong ng pagtutulungan sa karagatan, at pagpapabilis ng negosasyon hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea(COC), batay sa balangkas ng DOC.