|
||||||||
|
||
San Francisco, Estados Unidos—Magkasanod na idinaos Miyerkules at Huwebes, June 1 at 2, 2016, ang Ika-7 Clean Energy Ministerial (CEM) at inaugural Mission Innovation Ministerial (MIM).
Nagpadala ng mensaheng pambati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ipinagdiinan ni Xi na ang nasabing mga pulong sa mataas na antas na idinaos pagkaraan ng 2015 United Nations Climate Change Conference (COP 21・CMP 11) ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng komunidad ng daigdig sa paggagalugad at paggamit ng malilinis na enerhiya.
Ipinangako rin ng Pangulong Tsino na patuloy na tutupdin ng Tsina ang mga estratehiyang pangkaunlaran na nagtatampok sa pagiging inobatibo, koordinado, lutian, bukas at may-pagbabahaginan, para mapasulong ang luntian at low-carbon na pambansang pag-unlad.
Bilang punong-abala ng Ika-8 CEM sa 2017, ipinahayag din ni Xi ang mainit na pagtanggap sa mga kalahok.
Ang mensahe ni Xi ay binasa ni Yin Hejun, kalahok na Pangalawang Ministro ng Siyensiya't Teknolohiya ng Tsina.
Nagpadala rin ng video message sa mga pulong si Pangulong Barack Obama ng Amerika.
Ang nasabing dalawang pulong na nasa pagtataguyod ng Kagawaran ng Enerhiya ng Amerika, ay nilahukan ng mga kinatawan mula sa 23 bansa at may kinalamang organisasyong pandaigdig.
Bilang pandaigdig na forum, ang CEM ay itinatag para magbahaginan ng pinakamabuting asal at mapasulong ang mga patakaran at programa na makakatulong sa transisyon sa ekonomiya ng malinis na enerhiya ng buong daigdig.
Ang Mission Innovation na itinatag noong 2015 ay isang pandaigdig na inisyatiba para mapasulong ang inobasyon hinggil sa malinis na enerhiya bilang tugon sa pagbabago ng klima. Layon din nitong magamit at mabayaran ng mga mamimili ang malilinis na enerhiya.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |