Ayon sa ulat ng media ng Myanmar, nakipagtagpo nitong Biyernes, Hunyo 3, 2016, sa Chiang Mai, Thailand, si Dr. Tin Myo Win, Peace Negotiator ng Pamahalaan ng Myanmar, sa mga delegasyon ng sandatahang lakas ng pambansang minorya ng bansa. Inanyayahan din niya ang ilan sa kanila na hindi pa lumagda sa kasunduang pangkapayapaan, para lumahok sa diyalogong pulitikal.
Sa kanyang pakikipagtagpo, sinabi niyang dapat itatag ng iba't ibang panig ang pagtitiwalaan at pag-uunawaan para buuin ang isang mapayapa, masagana at demokratikong bansa.
Hanggang sa kasalukuyan, 7 sandatahang lakas ng mga pambansang minorya ay hindi pa lumalagda sa kasunduang pangkapayapaan.