Ipinatalastas nitong Martes, Mayo 31, 2016 ng Palasyong Pampanguluhan ng Myanmar ang pagbuo ng preparatoryong lupon para sa "21st Panglong Conference."
Ayon sa ulat, ang nasabing lupon ay binubuo ng 16 kasapi, para mapasulong ang prosesong pangkapayapaan ng bansa.
Noong Abril, 2016, iminungkahi ni Aung San Suu Kyi, Tagapayo sa mga Suliraning Pang-estado ng Myanmar na idaos ang "21st Century Panglong Conference" para maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan ng bansa. Ipinahayag ni Aung San Suu Kyi, na ito ay makakatulong sa pagsapi ng mas maraming armadong grupo mula sa ibat-ibang pambansang minorya sa kasunduan ng tigil-putukan, para pasulungin ang prosesong pangkapayapaan ng bansa.