Ipinatalastas kahapon, Biyernes, ika-27 ng Mayo 2016, sa Nay Pyi Taw, ni State Counselor Aung San Suu Kyi ng Myanmar, na isasagawa ang reorganisasyon sa Union Peace Dialogue Joint Committee ng bansang ito.
Mula kahapon hanggang ngayong araw, nagdaos ng pulong ang naturang komite, para talakayin ang isyu ng reorganisasyon. Nabuo sa pulong ang bagong liderato ng komite, at si Aung San Suu Kyi ay naging bagong tagapangulo nito.
Ang Union Peace Dialogue Joint Committee ng Myanmar ay binubuo ng mga kinatawan mula sa pamahalaan, mga armadong grupo ng mga pambansang minorya, at iba't ibang partidong pulitikal ng bansa. Ang layunin nito ay pagpapasulong ng pambansang diyalogo sa kapayapaan.
Salin: Liu Kai