Wuhan, Tsina-Ipinahayag dito nitong Lunes, Hunyo 06, 2016, ni Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN China Centre (ACC), na malaki ang nakatagong lakas ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa kakayahan ng pagpoprodyus.
Sinabi ni Yang na sa proseso ng magkasamang konstruksyon ng "21st Century Maritime Silk Road" ng Tsina at mga bansang ASEAN, ang kooperasyon sa kakayahan ng pagpoprodyus ay nagiging isang bagong growth point ng kooperasyon ng dalawang panig.
Sinabi pa ni Yang na sa proseso ng pag-unlad ng mga bansang ASEAN, kailangan nila ang pondo, pasilidad at teknolohiya. Samantala, mayroong modernong teknolohiya at industriya ang Tsina, kaya malakas ang pagkokomplemento sa isa't isa ng kooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN sa larangang ito.
Iminungkahi ni Yang na dapat ibayo pang pabutihin ng dalawang panig ang mekanismo ng kooperasyon sa kakayahan sa pagpoprodyus at kapaligiran ng pamumuhunan