Idinaos kahapon, Biyernes, ika-3 ng Hunyo 2016, sa Semarang, Indonesya, ang symposium bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue partnership ng Tsina at ASEAN.
Kalahok sa symposium ang halos 30 opisyal at iskolar ng Tsina at ilang bansang ASEAN na gaya ng Indonesya, Pilipinas, Thailand, Malaysia, Singapore, at Kambodya. Tinalakay nila ang hinggil sa dialogue partnership ng Tsina at ASEAN, at mga isyung panrehiyon.
Ipinahayag ng mga kalahok, na ang pagtatatag ng ASEAN Community at pagpapasulong ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "Belt and Road" Initiative ay magkakaloob ng pagkakataon sa pagpapalalim ng relasyong Sino-ASEAN.
Ipinalalagay din nilang ang rehiyonal na kalagayang panseguridad ay kailangang magkakasamang pangalagaan ng iba't ibang bansa sa rehiyong ito, at ito ay angkop din sa komong hangarin ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Salin: Liu Kai