Kaugnay ng idinaraos na Ika-8 round ng U.S.–China Strategic and Economic Dialogues sa Beijing, sinabi ni Zhang Xiangchen, Pangalawang Negosyador sa Pandaigdigang Kalakalan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na nagiging kasinghalaga ang pamumuhunan at kalakalan sa kooperasyong Sino-Amerikano, at noong dati, ang kooperasyon ng dalawang panig ay nagtampok, pangunahin na, sa kalakalan.
Sinabi niyang sa kalakalan, dapat magkasamang tutulan ng dalawang panig ang trade protectionism at gamitin ng Amerika ang mga aktuwal na hakbangin para paluwagin ang restriksyon sa pagluluwas sa Tsina.
Sa larangan ng pamumuhunan, sinabi niyang dapat panatilihin ng dalawang bansa ang mainam na tunguhin ng kooperasyon para pasulungin ang talastasan hinggil sa kasunduan ng pamumuhunan. Umaasa aniya siyang makakalikha ang Amerika ng isang pantay na kapaligiran para sa merger at acquisition ng mga bahay-kalakal Tsino.
Sinabi pa ni Zhang na ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation ay esensya ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang buong sikap na palalawakin ng dalawang bansa ang saklaw ng komong kapakanan at paliitin ang agwat sa mga hidwaan.