|
||||||||
|
||
Sa regular na preskon Martes, June 7, 2016, sinabi ni Hong Lei, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na, ang magkakasamang nominasyon ng mga organisasyong di-pampamahalaan ng Tsina, Timog Korea at iba pang bansa at rehiyon sa mga materyales na may kinalaman sa "Comfort Women" sa listahan ng Memory of the World ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ay makakatulong upang lubos na malaman ng mga mamamayan ng daigdig ang digmaang mapanalakay ng militarismo ng Hapon.
Idinadag pa ni Hong na hinimok ng panig Tsino ang Hapon na tumpak na hawakan ang naturang magkasanib na nominasyon at huwag ito dungisan. Sa halip, ani Hong, dapat aktuwal na isakatuparan ng Hapon ang pangako nito sa mga isyung pangkasaysayan para matamo ang tiwala ng komunidad ng daigdig at mga kapitbansang Asyano.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |