New York, Punong Himpilan ng United Nations--Ginawaran ika-7 ng Hunyo ng World Health Organization (WHO) ng certificate ang Thailand dahil sa matagumpay na pagpawi ng pagkahawa ng AIDS at syphilis sa pagitan ng mga nanay at sanggol. At ang Thailand ay naging kauna-unahang bansang Asiyano na nakapuksa sa pagkalat ng nasabing dalawang sakit sa pamamagitan ng paraang ito.
Ayon sa WHO, ang nasabing bunga ng Thailand ay nababatay sa malawakang pagpapakalat ng impormasyong pangkalusugan ng mga may kinalamang departamento, pagpapasulong ng paglahok ng komunidad sa mga gawain, at pagsasaklaw ng pagpigil at pagkontrol sa lahat ng populasyon.
Ayon sa estatisdika ng pamahalaan ng Thailand, noong 2003, ang proporsyon ng pagkakahawa ng AIDS mula nanay sa sanggol ay 10.3%, pero, noong 2015, ito ang bumaba sa 1.91%, at ito ay umabot sa istandard ng WHO.
salin:wle