Sa katatapos na ika-28 pangkalatahang asemblea ng World Health Organization (WHO) nitong Sabado, Mayo 28, 2016, sa Geneva, pinagtibay ng WHO ang katugong plano hinggil sa biglaang pangyayari ng problemang pangkalusugan para isagawa ang reporma sa emergency system.
Sinabi ni Margaret Chan Fung Fu-chun, Pangkalahatang Kalihim ng WHO, na bilang pandaigdigang organisasyong pangkalusugan, dapat pahigpitin ng WHO ang pamumuno at pagkokoordinahan sa paglaban sa biglaang pangyayari ng problemang pangkalusugan sa buong daigdig.
Ayon sa naturang plano, magkakaloob ang WHO ng mabilis, maaasahan at komprehensibong tulong sa mga bansa at rehiyon para tulungan silang sugpuin at pigilan ang mga kalamidad at epidemya sa pamamagitan ng nagkakaisang working group, tadhana, budget at proseso.
Sa naturang pulong, pinagtibay din ng WHO ang mga panukalang batas hinggil sa polusyon sa hangin, kalusugan ng kabataan at sanggol, at lipunang may sobrang matatanda.