HIGIT na gumanda ang benta ng mga sasakyan noong nakalipas na Mayo at lumago ng may 31% kung ihahambing sa mga nabiling sasakyan noong Mayo ng 2015.
Ayon kay Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, umabot sa 30,317 unit ng mga kotse at mga truck ang nabili at mas mataas sa 27,697 units noong nakalipas na 2015.
Sa benta noong Mayo, umabot na sa 134,488 units ang naipagbili mula noong unang araw ng Enero 2016 hanggang kahapon at kinatagpuan ng 25% dagdag sa 107,280 units mula Enero uno hanggang Hunyo a-otso ng 2015.
Mabenta pa rin ang mga sasakyang pangpasahero at pang-komersyo. Noong Mayo, nakapagbili ang mga kompanya ng may 10,893 kotse at lumago ng may 14% mula sa 9,556 units noong nakalipas na taon.
Noong nakalipas na Mayo, Toyota Motor Philippines ang nanguna at nagkaroon ng 42.95% ng buong pamilihan. Sumunod ang Mitsubishi Motor Philippines na nagtamo ng 18.29%, Ford Motor Company ang pumangatlo sa 10.38% samantalang ang Isuzu Philippines namana ang pang-apat na nagkaroon ng 8.04%. Panglima naman ang Honda Cars Philippines na nagkaroon ng 6.69%.
Ulat: Melo