Idinaos kahapon, Hunyo 9, 2016, sa Hanoi ng Biyetnam ang ika-12 pulong ng mga mataas na opisyal ng Tsina at ASEAN hinggil sa pagsasakatuparan ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Ipinangako ng mga kalahok na bansa na ipagpapatuloy at komprehensibong isasakatuparan ang DOC para palalimin ang mga kooperasyong pandagat at magkasamang pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng South China Sea (SCS).
Kaugnay ng pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct (COC) in the SCS, ipinahayag nila ang pagsasakatuparan ng mga narating na komong palagay sa lalong madaling panahon.
Ipinahayag naman ng mga kalahok na bansa na pabibilisin ang pagtatatag ng hotline platform sa pagitan ng mga mataas na diplomata ng Tsina at mga bansang ASEAN sa pagharap sa maritime emergencies.
Bukod dito, inulit ng Tsina at mga bansang ASEAN ang nagkakaisang hangarin na mararating ang COC sa pundasyon ng pagsasanggunian sa lalong madaling panahon.