Kaugnay ng isang editorial ng Wall Street Journal (WSJ) na inilabas noong ika-3 ng Hunyo, ipinahayag kahapon, Hunyo 9, 2016, ng Embahadang Tsino sa Amerika, na "reckless and alarming" ang nasabing editorial para sulsulan ang paggamit ng Amerika ng mga aksyong militar sa isyu ng South China Sea (SCS).
Sa liham sa WSJ, ipinahayag ni Zhu Haiquan, Tagapagsalita ng Embahadang Tsino, na ang aksyong militar ng Amerika sa SCS ay nagpapaigting ng tensyon sa rehiyong ito.
Sinabi rin niyang palagiang binibigyang-diin ng Amerika ang pagpapahupa ng tensyon sa SCS at paghahanap ng diplomatikong plano para lutasin ang isyung ito, kaya dapat magkakaisa ang mga aksyon at pananalita ng Amerika sa isyu ng SCS.
Bukod dito, sinabi ni Zhu na ang pinag-ugatan ng hidwaan sa SCS ay hindi "territorial ambition" ng Tsina sa ibang mga bansa, pero ang iligal na pagsakop ng ibang mga bansa sa teritoryo ng Tsina.
Narito ang link ng Letter to the Editor ng Embahadang Tsino sa WSJ:
http://www.wsj.com/articles/china-is-acting-within-its-sovereign-rights-1465493971