Ipinahayag nitong Huwebes, Hunyo 9, 2016, ni Derry Aman, Director ng Dialogue Partners and Inter-ASEAN Affairs ng Ministring Panlabas ng Indonesia, na upang pangalagaan ang panrehiyong katatagan at kapayapaan, nanawagan ang kanyang bansa sa mga kasangkot na bansa sa isyu ng South China Sea (SCS) na mapayapang lutasin ang isyung ito sa paraang diplomatiko.
Sinabi niya na kinakatigan ng Indonesia ang lubos na pagsasakatuparan ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) para pasulungin ang pagtakda ng Code of Conduct (COC) in the SCS.
Sinabi pa niyang dapat magtimpi ang iba't ibang panig na naghihidwaan sa isyu ng SCS para maiwasan ang mga probokasyon.