Ika-13 ng Hunyo, 2016, Beijing, Tsina--Nag-courtesy call si Meng Jianzhu, Secretary ng Central Political and Legal Affairs Commission ng Communist Party of China kay Loretta Lynch, Attorney General ng Amerika. Si Lynch ay nasa Beijing upang lumahok sa ika-2 diyalogo ng Tsina at Amerika hinggil sa paglaban sa cyber crime at mga may kinalamang suliranin.
Pinarating ni Meng kay Lynch ang pakikiramay ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina para kay Pangulong Barack Obama at mga mamamayang Amerikano hinggil sa pamamaril sa Orlando.
Ipinahayag naman ni Lynch ang kalungkutan, na sanhi ng nasabing insidente, hindi na siya maaaring lumahok sa diyalogo. Pinasalamatan din niya ang pagkatig ng Tsina. Nakahanda aniya siyang isagawa ang kooperayson sa Tsina sa paglaban sa terorismo at cyber security.
salin:wle