Linggo, Hunyo 12, 2016-Nag-usap sa Beijing sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at dumadalaw na Chancellor Angela Merkel ng Alemanya. Idinaos ang pag-uusap bago magkasamang dumalo ang dalawang lider sa 4th Intergovernmental Negotiation ng Tsina at Alemanya.
Sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya
Ipinahayag ni Premyer Li na kasalukuyang isinasakatuparan ang "China-Germany Cooperation Action Programme" na binalangkas sa ika-3 round ng negasasyon ng dalawang panig. Walang tigil din aniya ang umuunlad ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan. Optimistiko aniya ang Tsina sa pagtutulungan ng dalawang bansa sa hinaharap. Ipinayayag ni Li ang pag-asang tatalakayin, pangunahin na, sa ika-4 na round ng negosasyon ang hinggil sa pagtutulungan upang ma-i-ugnay ang "Made in China 2025" blueprint ng Tsina at "Industrial 4.0" strategy ng Alemanya, palawakin ang pagtutulungang pampamilihan sa ikatlong panig, pasulungin ang smart manufacturing industry, at iba pa. Tatanggap aniya ang Tsina ng pamumuhunang mula sa mas maraming bahay-kalakal ng Alemanya. Umaasa ang Premyer Tsino na mapapahigpit ang pagtutulungan ng Tsina at Alemanya sa G20, at magkasamang magsisikap para pasulungin ang kaunlarang pangkabuhayan ng mundo. Inaasahan di ni Li, na magkasamang pangangalagaan ng Tsina at Alemanya ang kapayapaan at katatagan ng daigdig.
Bumisita sina Li at Merkel sa Summer Palace.
Ipinahayag naman ni Chancellor Merkel na nananatiling mainam ang relasyong Sino-Aleman. Aniya, bilang mahalagang mekanismong pangkooperasyon ng Tsina at Alemanya, ang nasabing negosasyon ay malaking suporta sa pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan. Nakahanda aniya ang Alemanya na magsikap, kasama ng Tsina para tupdin ang nasabing "Cooperation Action Programme," at ipagpatuloy ang negosasyong pampamahalaan ng dalawang panig, para ibayong pasulungin ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan.