Lunes, ika-13 ng Hunyo, 2016, ipinatalastas ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya nina Pangulong Tomislav Nikolić ng Republika ng Serbia, Pangulong Andrzej Duda ng Poland, at Pangulong Islam Karimov ng Uzbekistan, isasagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa nabanggit na tatlong bansa, mula ika-17 hanggang ika-22 ng Hunyo.
Dadalo rin si Xi sa ika-16 na Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na idaraos sa Tashkent, Uzbekistan, mula ika-23 hanggang ika-24 ng kasalukuyang buwan.
Salin: Vera