Bilang preparasyon para sa Shanghai Cooperation Organization(SCO) Summit na nakatakdang idaos sa Hunyo, 2016, sa Tashkent, kabisera ng Uzbekistan, idinaos dito nitong Huwebes, Abril 14, 2016 ang ika-11 pagtitipon ng mga Kalihim ng Kumperensiyang Panseguridad ng SCO.
Dumalo at bumigkas ng talumpati sa pulong si Guo Shengkun, Ministro ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina.
Nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok hinggil sa kasalukuyang kalagayang panseguridad ng rehiyon at daigdig, pagtutulungan ng SCO sa law-enforcement security, at iba pa.
Ang SCO ay binuo noong 2001 sa Shanghai at ang anim na miyembro nito ay kinabibilangan ng Tsina, Rusya, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan at Uzbekistan.