Ipinahayag nitong Miyerkules, Hunyo 15, 2016 ni Liu Haixing, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina na dadalaw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Serbia, Poland, at Uzbekistan, mula ika-17 hanggang ika-24 ng buwang ito. Dadalo rin aniya si Pangulong Xi sa Summit ng Shanghai Cooperation Organization(SCO), na nakatakdang idaos sa Tashkent, kabisera ng Uzbekistan. Aniya, ang pagpapasulong ng konstruksyon ng "Belt at Road Initiative" para sa komong kaunlaran ay magsisilbing pangunahing tema ng biyaheng ito ng lider Tsino.
Ipinahayag din ni Liu na sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng SCO sa taong ito, ipagpapatuloy ng Tsina ang paninindigan sa nasabing summit hinggil sa pagpapalakas ng pagkakaisa at pagtitiwalaan, at pagpapalalim ng pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, para magkasamang isakatuparan ang bagong pag-unlad ng SCO.