Idinaos kahapon, Martes, ika-14 ng Hunyo 2016, sa Beijing, ang resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).
Si Wang Qinmin, Pangalawang Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC)
Sa kanyang talumpati sa resepsyon, sinabi ni Wang Qinmin, Pangalawang Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), na bilang bansang tagapagtatag, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng SCO. Positibo rin siya sa mga natamong bunga ng organisasyong ito sa mga aspekto ng seguridad at kabuhayan.
Si Rashid Alimov, Pangkalahatang Kalihim ng SCO
Hinahangaan naman ni Rashid Alimov, Pangkalahatang Kalihim ng SCO, ang mahalagang papel ng organisasyong ito sa kasalukuyang relasyong pandaigdig. Dagdag pa niya, dapat igiit ang diwa ng SCO hinggil sa pagtitiwalaan, mutuwal na kapakinabangan, pagkakapantay-pantay, pagsasanggunian, paggalang sa pagkakaiba ng sibilisasyon, at paghangad ng komong kaunlaran.
Salin: Liu Kai