Ayon sa Xinhua News Agency, sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing kahapon, Pebrero 4, 2016, kay Rashid Alimov, bagong halal na Pangkalahatang Kalihim ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), ipinahayag ni Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina, na ang kooperasyong pangkultura ay isa sa tatlong pangunahing puwersang tagapagpasulong sa SCO. Dagdag niya, ito ay puwersang nakapagtibay sa pundasyon ng mithiin ng mga mamamayan sa multilateral na kooperasyon. Aniya pa, aktibong kakatigan ng panig Tsino ang gawain ni Alimov para mapasulong ang kooperasyon ng dalawang panig sa iba't-ibang larangan.
Ipinahayag naman ni Alimov na nakahanda ang Sekretaryat ng SCO na mahigpit na makipagtulungan sa iba't-ibang larangan para mapasulong ang walang humpay na pagtatamo ng bunga ng SCO cooperation.
Salin: Li Feng