Ayon sa pahayag na ipinalabas Huwebes, June 16, 2016 ng China UnionPay, samahan ng mga bank card ng Tsina, magkakasamang ipinatalastas kamakailan ng UnionPay International, sangay ng China UnionPay, at Australia and New Zealand Bank (ANZ) ang pagsisimula ng pagtanggap ng UnionPay chip cards sa lahat ng mga ATM ng ANZ sa Cambodia.
Ito ang unang proyektong pangkooperasyon ng nasabing samahan at ANZ sa isang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sinimulan na rin ng dalawang panig ang katulad na serbisyo sa mga bansa sa Pasipiko.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio