Sa panayam sa Xinhua News Agency ng Tsina kamakailan, ipinahayag ng mga iskolar ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na pagdating sa isyu ng teritoryo at soberanya, ang bilateral na talastasan ng Tsina at Pilipinas ay pinakamagandang solusyon sa alitan.
Sinabi ni Tang Zhimin, Dean ng International College, Panyapiwat Institute of Management (PIM) ng Thailand, na sa isyu ng South China Sea, ipinadala ng Tsina ang maraming positibong signal na karapat-dapat na pag-aralan ng Pilipinas. Aniya, kabilang sa naturang mga signal, ang pagsasa-isantabi ng alitan at magkasamang paggagalugad. Ito aniya ang direksyon at pangunahing tunguhin ng pagresolba sa alitan sa dagat at isla sa hinaharap, at dapat magpunyagi ang Tsina at Pilipinas tungo sa naturang target.
Sinabi naman ni Connie Rahakundini, Presidente ng Indonesian Institute for Maritime Studies (IIMS), na ang alitang may kinalaman sa soberanya ay dapat lutasin ng mga claimant country sa pamamagitan ng direktang talastasan, at ang katiwasayang panrehiyon naman ay dapat magkasamang pangalagaan ng ASEAN at Tsina. Aniya, ang Tsina at Pilipinas lamang ang tunay na nakakaalam sa esensya ng kanilang alitan, kaya ang alitan sa South China Sea ay dapat lutasin, sa pamamagitan ng bilateral na paraan, sa halip na multilateral o pandaigdig na paraan. Dagdag pa niya, ang Pilipinas ay miyembro ng ASEAN, at ikalulugod na makita ng ASEAN ang pagkakaroon ng diyalogo sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.
Salin: Vera