Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Narating na komong palagay ng Tsina, Brunei, Cambodia, Laos sa South China Sea, batay sa UNCLOS at DOC

(GMT+08:00) 2016-04-26 09:19:13       CRI
Narating nitong Sabado, ika-23 ng Abril 2016, ng Tsina, Brunei, Kambodya, at Laos ang komong palagay na may apat na punto hinggil sa kalagayan ng South China Sea.

Kaugnay nito, sa regular na preskon, ipinahayag nitong Lunes, Abril 25 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nagkaroon ang apat na bansa ng nasabing kasunduan batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), lalong lalo na ang Article 298 ng UNCLOS at Ikaapat na tadhana ng DOC.

Muling inilahad ng tagapagsalitang Tsino ang apat na komong palagay na narating ng nasabing apat na bansa sa katatapos na pagdalaw ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa nabanggit na tatlong bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Una, ang hidwaan sa ilang isla at reef ng Nansha Islands ay hindi isyu sa pagitan ng Tsina at ASEAN, at hindi dapat ito makaapekto sa relasyong Sino-ASEAN. Ikalawa, dapat igalang ang karapatan ng iba't ibang bansa, na piliin ang paraan ng paglutas sa hidwaan batay sa pandaigdig na batas, at hindi dapat isagawa ang unilateral na aksyon. Ikatlo, batay sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, dapat igiit ang paglutas sa hidwaan sa teritoryo at karapatang pandagat sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian ng mga bansang may direktang kinalaman sa isyung ito. At ikaapat, may kakayahan ang Tsina at mga bansang ASEAN, na sa pamamagitan ng kooperasyon, pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea, at dapat patingkarin ng mga bansa sa labas ng rehiyong ito ang konstruktibong papel para rito.

Kaugnay ng arbitration ng panig Pilipino, naninindigan ang panig Tsino na unang una, ang paglutas sa mga alitan sa pamamagitan ng direktang pagsasanggunian sa pagitan ng mga may kinalamang panig ay iminungkahi ng Karta ng UN, at ito rin ay komong pandaigdig na praktis. Higit sa lahat mababasa rin ito sa DOC, unang dokumentong pulitikal na nilagdaan ng Tsina at ASEAN hinggil sa isyu ng SCS. Dahil dito, hiniling ng Tsina sa Pilipinas na magsagawa ng bilateral na pagtatalakayan. Ito pa rin aang balidong paraan, ani Wang. Pero, tinanggihan ng pamahalaang Pilipino ang kahilingan ng Tsina.

Bukod dito, kaugnay ng pandaigdig na arbitrasyon, ayon sa normal na praktis, kailangang magkasundo muna ang mga may kinalamang bansa. Pero, hindi nagpaalam ang Pilipinas sa Tsina kaugnay ng desisyong ito, at hindi rin ito humingi ng pagsang-ayon ng Tsina. Ayon sa panig Tsino, noon pa mang 2006, ayon sa seksyong 298 ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), nagpalabas na ang Tsina ng pahayag na hindi ito tatanggap ng arbitrasyon. Ito aniya ay lehitimong karapatan ng Tsina, batay sa UNCLOS.

Tagapagsalin: Jade/Frank
Tagapagpulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>