Ayon sa ulat ng Philippine Daily Inquirer, Lunes, Mayo 30, 2016, pagkaraang makipagpulong sa mga hahalinhang opisyal ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas hinggil sa may kinalamang patakarang diplomatiko, ipinahayag ni Perfecto Yasay, hinirang na Foreign Affairs Secretary ng Pilipinas, na panunumbalikin niya ang bilateral na pakikipagtalastasan sa Tsina, upang malutas ang alitan sa South China Sea (SCS).
Aniya, ang isyu ng South China Sea ay "pangkagipitang isyu" na tinalakay nila ng mga opisyal ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas. Binigyang-diin niyang kung nais lulutasin ang alitan sa karagatang ito, liban sa talastasan, walang ibang paraan.
Isiniwalat din ni Yasay na idaraos ang isang serye ng mga pulong sa mga opisyal ng nasabing kagawaran, bago ang ika-9 ng Hunyo, para talakayin ang mga masusing isyung pampatakaran. Pagkatapos nito, ihaharap ang mungkahi sa patakaran kay hahaliling Pangulong Rodrigo Duterte.
Salin: Vera