|
||||||||
|
||
Okinawa, Hapon—Mahigit 65,000 mamamayang Hapones ang nagrali Linggo, June 19, 2016 para gunitain ang mga babaeng Hapones na pinatay ng mga sundalong Amerikano na nakabase sa bansa. Nagprotesta rin sila para sa pag-urong ng tropang Amerikano sa bansa. Naganap ang nasabing rali at protesta makaraan gahasain at patayin di-umano ng isang miyembro ng tropang Amerikano na nakabase sa Okinawa ang isang babaeng Hapones noong ika-28 ng Abril ngayong taon.
Bilang pagkatig sa mga kababayan sa Okinawa, nagdaos ng katulad na protesta sa harap ng gusali ng parliamento ng Hapon ang humigit-kumulang 100,000 Hapones na taga-Tokyo.
Ayon sa kapulisan ng Okinawa, mula noong 1972 hanggang katapusan ng 2014, mahigit 5,800 kasong kriminal ang kagagawan ng mga nakatalagang sundalong Amerikano o kanilang mga kamag-anakan. Mahigit 570 sa mga ito ay kaso ng panggagahasa at pagpatay.
Si Okinawa Governor Takeshi Onaga (sa harap) na nagtatalumpati sa rali, sa Naha, Okinawa, Hapon, June 19, 2016. (Xinhua/Shen Honghui)
Mga demonstrador na may hawak na placard bilang protesta sa mga krimen ng tropang Amerikano at nanawagan pabalikin sa Amerika ang mga sundalong nabanggit. Larawang kinunan sa Naha, Okinawa, Hapon, June 19, 2016. (Xinhua/Shen Honghui)
Mga demonstrador sa Tokyo na nag-oobserba ng isang-minutong katahimikan para sa mga babaeng pinatay ng mga sundalong Amerikano na nakabase sa Hapon. (Xinhua/Liu Tian)
Mga demonstrador sa Tokyo na may mga placard at sumisigaw ng islogan bilang protesta sa krimeng ginawa ng mga sundalong Amerikano na nakabase sa bansa. (Xinhua/Liu Tian)
Salin/Edit: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |