Jakarta, Indonesia—Ayon National Disaster Management Agency ng Indonesia, dahil sa pagbaha at landslide na dulot ng malakas na ulan sa Central Java province sa dakong kanluran ng bansa, hanggang Linggo, June 19, 2016, 35 katao ang namatay, 14 ang nasugatan at 25 ang nawawala.
Sinabi ni Sutopo Purwo Nugroho, Tagapagsalita ng nasabing ahensya na isinasagawa pa rin ang paghahanap, pagliligtas at paglikas.
Sinabi rin niyang bunsod ng tuluy-tuloy na pag-ulan, 16 na distrito at isang siyudad sa nabanggit na probinsya ang nakaranas ng baha at landslide. Kabilang sa mga ito, ang mga distritong Purworejo, Banjarnegara at Kebumen ang pinakaapektado.
Salin: Jade
Pulido: Rhio