Ipinahayag kamakailan ni Tito Karnavian, Puno ng National Agency for Combating Terrorism (BNPT) ng Indonesia na kinakaharap ng bansa ang ikalawang round ng banta ng terorismo.
Inilahad ni Tito na ang unang round ng bantang teroristiko na kinaharap ng Indonesia ay mula noong 1999-2009, at sapul noong 2009 hanggang 2013, wala namang malawakang aksyong teroristiko na naganap sa bansa. Ipinagdiinan niyang sapul nang itatag ang Islamic State (IS), nagsimula nang kaharapin ng buong mundo na kinabibilangan ng Indonesia ang bagong bantang dulot ng terorismo.
Noong ika-8 ng Hunyo, naaresto ng pulisya ng Indonesia ang tatlong suspek na pinaghihinalaang may kaugnayan sa IS at may-balak maglunsad ng atake sa Ramadan. Ang pambobomba na naganap sa Jakarta, noong ika-14 ng Enero ngayong taon ay mayroon ding kaugnayan sa IS.
Upang mapigilan ang pagkalat ng terorismo, hinimok ni Tito ang sambayanang Indones na makilahok sa pambansang kampanya laban sa tererorismo sa iba't ibang paraan.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio