Lunes, ika-20 ng Hunyo, 2016, ipinahayag ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya na hindi kakatigan ng kanyang bansa ang resulta ng South China Sea arbitration na unilateral na iniharap ng Pilipinas. Nanawagan din siya sa mga may kinalamang panig na lutasin ang alitan sa pamamagitan ng bilateral na talastasan.
Sa okasyon ng kanyang pagdalo sa isang seremonya ng pagtatapos sa Phnom Penh, sinabi ni Hun Sen na ang ilalabas na resulta ng South China Sea arbitration ay para sa layuning pulitikal, at hindi kakatigan ng Kambodya ang nasabing resulta.
Dagdag pa ni Hun na hindi ipapalabas ng Kambodya ang anumang magkasanib na pahayag bilang pagkatig sa resulta ng nasabing arbitrasyon. Sa halip, ipapalabas nito ang sariling pahayag.
Salin: Vera