|
||||||||
|
||
NANINIWALA sina G. Rene Magtubo, co-chair ng Church-Labor Conference at G. Rod Kapunan na matapat lamang bigyang-pansin ng papasok na pamahalaang pamumunuan ni Davao City Mayor Rodrigo Roa Duterte ang kalagayan ng mga manggagawa sapagkat hindi sapat ang hanapbuhay at kinikita upang umangat mula sa kahirapan.
HALOS PAREHO DIN ANG PROGRAMA NI PANGULONG DUTERTE SA PAALIS NA PAMAHALAAN. Ito ang sinabi ni G. Rene Magtubo, co-chair ng Church - Labor Conference sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kanina. Kailangan umanong makita ang pagkakaiba sa pagtrato ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagbura sa kontraktuwalisasyon. (Melo M. Acuna)
Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga, sinabi ni G. Magtubo na tila sinusundan lamang ng papasok na administrasyon ang sinimulan ni Pangulong Benino Simeon C. Aquino III sapagkat pinalawak lamang ang pagdudulot ng kontrobersyal na conditional cash transfer.
Sa panig ni G. Rod Kapunan, hindi magiging madali para sa pamahalaang burahin ang mga kontraktual na manggagawa sapagkat maraming mga bahay-kalakal ang naniniwala sa legislated wage increase na hindi kailanman sasapat sa pangangailangan ng mga mamamayan.
KONTRAKTUALISASYON, MAPAPALITAN NG SEGURIDAD SA PAGGAWA. Ipinaliliwanag ni G. Rod Kapunan, may akda ng isang aklat sa kontraktuwalisasyon, na kung magiging "flexible" ang minimum wage at mabibigyang-halaga ang "security of tenure," higit na darami ang magkakahanapbuhay. (Melo M. Acuna)
Naniniwala naman si G. Rod Kapunan, may-akda ng aklat na pinamagatang Labor Contracting in a Cabo Economy, na kung papayagan ang mga employer na bawasan ang minimum wage at bigyan ng sapat na elbow room ang mga may-ari ng kumpanya na magtakda ng sahod subalit kikilalanin ang seguridad ng mga manggagawa.
Sa mas mababang pasahod, mas marami ang magkakamit ng hanapbuhay na hindi apektado ang kanilang estado sa larangan ng social security.
Naunang sinabi ng World Bank sa Pilipinas na walang anumang magaganap na kaunlaran at pagbabago kung maraming mga Pilipino ang hindi nadaragdagan ang pasahod.
Nagiging dahilan ito upang 'di magbago ang pag-uulat sa kalagayan ng mga manggagawa. Maliwanag sa World Bank na hindi uunlad ang manggagawa kung hindi magkakaroon ng palatuntunan para sa mga mahihirap at mga umaaasa sa hanapbuhay sa kanayunan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |