KINILALA na ng mga tauhan ng Philippine National Police Crime Laboratory na ang ulong pugot ay sa Canadian national na ri Robert Hall matapos ang pag-aaral sa DNA ng biktima at sa impormasyong mula sa embahada.
Ito ang sinabi ni Chief Supt. Emmanuel Aranas, Director ng PNP Crime Laboratory sa isang news conference sa Kampo Crame kanina.
Nagtugma ang DNA specimens mula sa ulo at sa DNA profile ni Hall mula sa database sa Canada. Kumpirmadong kay G. Hall ang ulo na iniwan sa labas ng patio ng Mt. Carmel Cathedral noong Biyernes, ikatlo ng Hunyo, 2016.
Magugunitang dinala ang pugot na ulo sa PNP Crime Laboratory at sumunod sa forensic examination protocol at DNA extraction procedures.