|
||||||||
|
||
SA sunod-sunod na pagpaslang na katulad ng mga ginagawa ng mga vigilante, ipinarating ng mga obispo ang kanilang pagkabahala sa mga nagaganap sa buong bansa.
Ikinabahala nila ang pagkakaroon ng mga pabuya sa bawat napapaslang. Samantalang pinupuri ng mga obispo ang pinag-ibayong kampanya laban sa kriminalidad, ipinarating nila ang pagkabahala sa pagtaas ng bilang ng mga nasasawi matapos makipagbarilan umano sa mga autoridad.
May 34 katao na ang napapaslang. Mga drug pusher umano ang mga napaslang matapos ang pinag-ibayong kampanya mula noong matapos ang halalan.
Ipinaliwanag ni Arsobispo Socrates B. Villegas, pangulo ng CBCP na mapahihintulutan lamang ang pagbaril upang pumatay bilang pagtatanggol sa sarili o pagtatanggol sa ibang mga mamamayan.
Hindi umano angkop ang pagbibigay ng pabuya sapagkat malaki ang posibilidad na maabuso ang mga pagpaslang sa sinasabing mga tulak ng droga. Hindi rin angkop ang pagtanggap ng pabuya sa pagpaslang ng kapwa tao.
Obligasyon ng mga Christiano na ibunyag ang pagsasakamay ng batas sapagkat ang mga pagpaslang ay taliwas sa batas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |