SA pagdiriwang ng International Day of Family Remittances bukas, sinabi ni Kanayo F. Nwanza, pangulo ng International Fund for Agricultural Development (IFAD), binigyan niya ng pansin ang pangangailangan ng higit na pagkilala sa mga maiaambag ng mga migrante sa kaunlaran ng ekonomiya ng kani-kanilang mga pamilya at bansa.
Ang remittances na ipinadadala sa kanilang bansa ang siyang pinagkukunan ng kabuhayan ng milyon-milyong mga pamilyang mahihirap. Ito ang sinabi ni Nwanze sa kanyang pahayag mula sa Roma. Ang mga padalang salapi ang nakatutulong sa mga lipunan, nagpapasigla ng ekonomiya at naghahatid ng katatagan upang magkaroon ng mas magandang kinabukasan.
Noong 2015, may 250 milyong migrante na naghahanapbuhay sa labas ng kanilang mga bansa ang nagpadala ng may US$ 450 bilyon sa kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng foreign remittances.
May 60 milyong mamamayan ang nawala sa kanilang mga bansa dahilan sa kaguluhan na kinabibilangan ng may 20 milyong refugees na tumawid ng iba't ibang hangganan.
Ang International Day of Family Remittances ay naideklara ng lahat ng 176 bnasang kabilang sa governing council ng IFAD noong nakalipas na Pebrero 2015.