Warsaw, Poland—Dumalo Lunes, ika-20 ng Hunyo, 2016 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Andrzej Duda ng Poland sa seremonyang panalubong ng kauna-unahang CHINA RAILWAY Express freight train sa Europa. Pinahigpit nito ang konektibidad ng daambakal sa pagitan ng Tsina at Poland.
Ang China-Europe freight train ay regular na trans-continent train service sa pagitan ng Tsina at Europa, at dumadaan sa mga bansang kabilang sa "Belt and Road Initiative".
Ang "Belt and Road Initiative" ay pinaikling termino ng land-based Silk Road Economic Belt na nag-uugnay ng Tsina, Central and Western Asia at Europa, at 21st Century Maritime Silk Road.
salin:wle