|
||||||||
|
||
Warsaw, Poland—Dumalo Lunes, ika-20 ng Hunyo, 2016, ang Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Andrzej Duda ng Poland sa seremonya ng pagbubukas ng Silk Road Forum and Poland-China Regional Cooperation and Business Forum. Bumigkas si Xi ng talumpati na nagbigay-diing dapat palakasin ang kooperasyon sa "Belt and Road Initiative, " pasulungin ang kasaganaang panrehiyon, at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng daigdig.
Ani Xi, nitong 3 taong nakalipas sapul nang iharap ng Tsina ang "Belt and Road Initiative" para sa komong kaunlaran, aktibong tumugon ang mga bansa sa rehiyong ito. Aniya pa, magkakaiba ang kalagayan, kultura at yugto ng pag-unlad ng mga bansa, kaya dapat tumulong sa isa't isa batay sa paggalang at inclusiveness. Iminungkahi rin ni Xi na gagawing isang huwaran ang kooperasyon ng Tsina at Poland sa "Belt and Road Initiative" para mapasulong ang kooperasyon ng rehiyon.
Binigyan-diin din ni Xi na ang Tsina ay may kompiyansa na pananatilihin ang paglaki ng kabuhayan sa medium-high speed, at tinatanggap ang lahat ng mga bansa na patuloy na ibinabahagi ang dividend ng mabilis na pag-unlad ng Tsina.
Ipinahayag naman ng mga lider ng Poland na mula noon hanggang ngayon, iniugnay ng Silk Road ang Europa at Asya. Kumakatig ang Poland sa "Belt and Road Initiative." Ang Poland ay maagang lumahok sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), at laging nagsisikap para mapasulong ang kooperasyon ng Europa at Asya. Ang pagkakaugnay ng Amber Road ng Poland at Silk Road ay gaganap ng mahalagang papel para sa kasaganaan ng Europa at Asya. Sa panahon ng pagdalaw ni Pangulong Xi sa Poland, itinatag ng dalawang bansa ang komprehensibong estratehikong partnership, at ibayo pa nitong palalakasin ang kooperasyon ng Poland at Tsina sa kabuhayan, kalakalan, siyensiya't teknolohiya at iba pang larangan.
Ang "Belt and Road Initiative" ay pinaikling termino ng land-based Silk Road Economic Belt na nag-uugnay ng Tsina, Central and Western Asia at Europa, at 21st Century Maritime Silk Road.
salin:wle
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |