Linggo, Hunyo 19, 2016, sa Warsaw, Poland-Sa kanyang pakikipag-usap kay Pangulong Andrzej Duda ng Poland, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping na nakahada ang Tsina na magsikap, kasama ng Poland para pasulungin ang pagtutulungan ng Tsina at mga bansa ng Silangang Europa, at palakasin ang relasyong Sino-Europeo. Sinabi ni Pangulong Xi na may tanging geographical position ang Poland sa pagitan ng kontinente ng Asya at Europa. Hinihintay aniya ng Tsina ang paglahok ng Poland sa konstruksyon ng "Belt at Road Initiative" para sa komong pag-unlad, na itinataguyod ng Tsina. Nakahanda rin aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Poland para pahigpitin ang pagtutulungan ng dalawang bansa, batay sa balangkas ng nasabing inisyatibo.
Ipinahayag naman ni Pangulong Andrzej Duda na nitong ilang taong nakalipas, mabunga ang pagtutulungan ng Tsina at Poland sa ibat-ibang larangan. Aniya, bilang isa sa mga bansang tagapagtatag ng Asian Infrastructure Investment Bank(AIIB), nananabik ang Poland na makilahok sa nasabing inisyatibo. Dagdag pa niya, nananatiling mainam ang relasyong Sino-Polish, at umaasa din siyang magsisikap ang dalawang bansa para ibayong pasulungin ang pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at mga bansa ng Silangang Europa.
Nang araw ring iyon, dumalo sina Pangulong Xi Jinping at kanyang maybahay na si Peng Liyuan sa national art at literature performance ng Poland, kasama nina Pangulong Andrzej Duda at kanyang maybahay.