Lunes, ika-20 ng Hunyo, 2016, dumalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa maringal na seremonyang panalubong na itinaguyod ni Pangulong Andrzej Duda ng Poland sa palasyong pampanguluhan sa Warsaw.
Tinukoy ni Xi na sa magkakaibang panahong historikal, tinutulungan at kinakatigan ang isa't isa ng mga mamamayan ng Tsina at Poland. Sa kasalukuyan, masiglang masigla ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa. Nananalig aniya siyang tiyak na hihigpit sa hene-henerasyon ang naturang pagkakaibigan.
Nagpahayag naman si Duda ng pananalig na pasusulungin ng kasalukuyang pagdalaw ni Pangulong Xi ang relasyong Sino-Polish sa bagong antas, at ihahatid ang benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Salin: Vera