Ipinatalastas nitong Lunes, Hunyo 20, 2016 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang nakatakdang pagdalo at pagbigkas ng talumpati ni Premyer Li Keqiang sa seremonya ng pagbubukas ng World Economic Forum 2016 Summer Davos na gaganapin sa Tianjin, Tsina, mula Hunyo 26 hanggang 28, 2016. Aniya, sa sideline ng nasabing porum, makikipag-usap din si Premyer Li sa mga importanteng personahe ng porum, na gaya ng lider ng mga kalahok na bansang kinabibilangan ng Kyrgyzstan, at Chairman ng naturang porum na si Klaus Schwab. Samantala, magkakaroon din aniya ang Premyer Tsino ng face-to-face dialogue sa kalahok na personahe mula sa ibat-ibang sirkulo.
Inilahad ni Hua na ang tema ng nasabing pagtitipon ay: "4th Industrial Revolution: The Power of Transformation." Aniya, dadalo sa pagtitipong ito ang 1,700 kinatawan, mula sa mahigit 90 bansa sa daigdig.