Sa isang pahayag na ipinalabas Miyerkules ng gabi, Hunyo 22, 2016 ng Cambodia People's Party(CPP), umaasa itong lulutasin ng mga direktang may-kinalamang bansa ang isyu ng South China Sea, sa pamamagitan ng mapayapang talastasan.
Ipinahayag din nito ang pag-asang magtitimpi ang mga direktang may-kinalamang panig, at lumikha ng mainam na kondisyon para sa katugong talastasan, batay sa diwa ng Declaration on the Conduct of the Parties in the South China Sea(DOC). Sinabi ng nasabing partido na palaging gumaganap ang Kambodya ng koordinado at konstruktibong papel sa isyu ng South China Sea, para pangalagaan ang malusog at matatag na pagtutulungan ng Tsina at ASEAN.
Ipinahayag din ng CPP ang pagtutol, kasama ng pamahalaang Kambodyano na pinamumunuan ni Punong Ministro Hun Sen sa arbitrasyong unilateral na isinumite ng Pilipinas hinggil sa isyu ng South China Sea.