Sa panahon ng dalaw-pang-estado ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya sa Tsina, nilagdaan at inilabas ng mga ministrong panlabas ng dalawang bansa ang "Pahayag ng Tsina at Rusya Hinggil sa Pagpapasulong sa Pandaigdigang Batas." Ipinahayag sa Beijing Lunes, Ika-27 ng Hunyo, 2016, ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang paninindigan ng dalawang bansa na nakapaloob sa nasabing pahayag ay makakatulong sa pag-unawa ng komunidad ng daigdig sa esensya ng South China Sea arbitration.
Hinggil sa mapayapang paglutas sa alitan, tinukoy ng naturang pahayag na dapat mahinahong na gamitin ng iba't ibang bansa ang paraan at mekanismo ng paglutas sa alitan, batay sa diwa ng kooperasyon at pagsang-ayon ng mga may kinalamang bansa, at hindi dapat magmalabis at makapinsala sa simulaing ito. Kaugnay ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS), binigyang diin ng pahayag na hindi dapat sirain ang kabuuan ng sistemang pambatas na itinakda ng UNCLOS.
Dagdag pa ni Hong, bilang mga pirmihang kasaping bansa ng United Nations Security Council, may komong responsibilidad ang Tsina at Rusya sa pangangalaga at pagpapasulong sa pandaigdigang batas.
Salin: Vera