Ayon sa Xinhua News Agency, sinabi kamakailan ni Norodom Ranariddh, Pangulo ng Funcinpec Party ng Cambodia, na hinahangaan niya ang paninindigan ng Tsina sa mapayapang paglutas sa isyu ng South China Sea. Ipinalalagay niya na ang pakikisangkot ng mga walang kinalamang bansa sa isyung ito ay makakapagsalimuot sa situwasyon.
Ipinahayag niya na ang pagharap ng Pilipinas ng arbitrasyon ay unilateral na aksyon. Hindi ito kinakatigan ng kanyang bansa, aniya pa. Sinabi niya na kung talagang nais lutasin ang hidwaan sa South China Sea, ang pagsasagawa ng mga may-kinalamang bansa ng talastasan ay siyang tanging paraan.
Salin: Li Feng