Ayon sa China News Service, idinaos kahapon, Hunyo 28, 2016, ang pulong ng Cambodia People's Party — naghaharing partido ng bansa — bilang paggunita sa ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng partidong ito. Kaugnay ng isyu ng South China Sea, muling ipinahayag ni Hun Sen, Pangulo ng Cambodia People's Party at Punong Ministro ng bansa, na hindi kakatigan ng kanyang partido ang isasapublikong kahatulan ng arbitrasyon sa South China Sea. Nanawagan din siya sa mga may-kinalamang bansa na mapayapang lutasin ang isyung ito, at hinihiling sa mga bansa sa labas ng rehiyon na itigil ang panghihimasok dito.
Binigyang-diin niya na ang isyu ng South China Sea ay "isyu sa pagitan ng mga kinauukulang bansa tungkol sa soberanya, sa halip ng isyu sa pagitan ng ASEAN at Tsina." Hinimok niya ang iba't-ibang may-kinalamang bansa na magkakasamang lutasin ang isyung ito sa mapayapang paraan. Dagdag pa niya, ang nagkakaibang palagay ng mga miyembro ng ASEAN sa nasabing isyu, ay hindi sumasagisag ng pagkakahiwalay-hiwalay ng ASEAN.
Salin: Li Feng