Martes, ika-28 ng Hunyo, 2016, ipinahayag ni Hun Sen, Tagapangulo ng Cambodia People's Party at Punong Ministro ng bansa, ang kanyang paninindigan sa isyu ng South China Sea (SCS). Tinukoy niyang tinututulan ng kanyang partido ang pagpapalabas ng ASEAN ng pahayag tungkol sa South China Sea arbitration na unilateral na iniharap ng Pilipinas. Nanawagan siya sa mga bansa sa labas ng rehiyon na itigil ang pakikialam sa isyung ito, at nanawagan din sa mga may kinalamang bansa na tumpak na ipatupad ang diwa ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea. Kaugnay nito, ipinahayag Miyerkules ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na lubos na hinahangaan ng panig Tsino ang obdiyektibo't makatarungang paninindigan ni Hun Sen sa isyu ng South China Sea.
Sinabi ni Hong na ang pahayag ng panig Kambodyano ay muling nagpapakitang taliwas sa mithiin ng mga mamamayan ang pagsira ng ilang bansa ng relasyon ng Tsina at ASEAN, gamit ang South China Sea arbitration, at hindi magtatagumpay ang kanilang tangka.
Salin: Vera