Ayon sa China Radio International (CRI), sinabi sa Beijing ngayong araw, Hunyo 30, 2016, ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa pamamagitan ng diplomatikong tsanel, ipinadala na ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe sa bagong Pangulong Pilipino na si Rodrigo Duterte, bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas.
Ani Hong, sa naturang mensahe, sinabi ng Pangulong Tsino na sa kasalukuyan, kinakaharap ng relasyong Sino-Pilipino ang mahalagang pagkakataon. Nakahanda aniyang siyang magsikap kasama ni Pangulong Duterte, para mapasulong ang pagbuti ng relasyon ng dalawang bansa at maisakatuparan ang malusog at matatag na pag-unlad nito. Dagdag pa niya, kung talagang igigiit ng dalawang bansa ang katapatan at kabutihan, at igigiit din ang pagtitiwalaan at pagtutulungan, tiyak na makakalikha ng magandang kinabukasan ng relasyon at kooperasyong Sino-Pilipino.
Salin: Li Feng