Sa regular na preskon Lunes, ika-16 ng Mayo 2016, sinabi ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na napansin ng Tsina ang maalwang pagdaraos ng pambansang halalan ng Pilipinas, at bumati sa tagumpay ni Rodrigo Duterte sa halalang pampanguluhan.
Nagpahayag din siya ng pag-asang mananangan ang bagong pamahalaan ng Pilipinas sa paghawak sa mga may kinalamang alitan, sa pamamagitan ng mapagkaibigang diyalogo, at makakapagpasulong, kasama ng panig Tsino, sa pagbalik ng relasyon ng dalawang bansa sa landas ng malusog na pag-unlad. Aniya, ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa, at ito rin ang komong hangarin ng kanilang mga mamamayan.
Salin: Vera