Ayon sa pahayag ng tanggapan ng gobernador ng lunsod ng Istanbul nitong Miyerkules, Hunyo 29, 41 ang nasawi sa teroristikong pag-atake na naganap noong gabi ng ika-28 ng buwang ito sa Istanbul-Ataturk International Airport, samantala, 239 ang nasugatan.
Kinumpirma ng Embahadang Tsino na walang sibilyang Tsino ang kasuwalti sa nasabing pag-atake. Pinayuhan din ng Embahada na mag-ingat ang mga mamamayang Tsino kung pupunta sa bansang ito.
Ayon din ng panig Turkey na 12 banyaga ang nasawi sa pag-atake at sila ay galing sa Saudi Arabia, Iraq, Tunis, Iran, Ukraine at Uzbekistan.
Sinabi ni Binali Yildirim, Punong Ministro ng Turkey, na isinasagawa pa rin nila ang pagsusuri sa mga salarin, pero may mga ebidensiyang nagpapakitang ang pag-atakeng ito ay inilunsad ng Islamic State (IS).