Isang serye ng pagsabog ang naganap Hunyo 28 ng gabi, 2016, sa Atakurk International Airport sa Istanbul, Turkey. Sa kasalukuyan, 31 katao ang kumpirmadong nasawi, at 147 iba pa ang nasugatan.
Pagkaraang maganap ang pagsabog, isinara ng kapulisan ng Turkey ang nasabing paliparan.
Ipinahayag ng Konsulada Heneral ng Tsina sa Istanbul na wala pang naiulat na kasuwalti ng mga mamamayang Tsino sa nasabing pagsabog, at handa itong magbigay-tulong anumang oras, sa mga mamamayang Tsino.
Nitong nagdaang taon, walang tigil na naganap ang mga teroristikong pag-atake sa Turkey. Lumikha ito ng malaking kasuwalti ng mga tao.