Ipinahayag ngayong araw, Biyernes, Hulyo Uno 2016, ni Bambang Suryono, Presidente ng Nanyang ASEAN Foundation, na nakabase sa Jakarta, Indonesya, na ang pagbibigay ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ng unang pangkat ng mga pautang sa apat na umuunlad na bansa ng Asya, ay mahalaga sa kapwa aspekto ng pulitika at kabuhayan. Ito rin aniya ay positibong aksyon ng AIIB, para tupdin ang ideya at tungkulin nito.
Kamakailan, ipinatalastas ng AIIB ang apat na proyektong bibigyan ng unang pangkat ng pautang ng bangkong ito. Ang mga ito ay proyekto ng pagbabago ng shanty area ng Indonesya, proyekto ng enerhiya ng Balangdesh, proyekto ng haywey ng Pakistan, at proyekto ng lansangan sa hanggahan ng Tajikistan.
Kaugnay ng proyekto ng Indonesya, sinabi ni Suryono, na ito ay mahalagang proyekto ng pamahalaan ni Pangulong Joko Widodo, at makikinabang dito ang maraming mamamayang Indones.
Salin: Liu Kai