Ayon sa ulat ng "Jakarta Post" ng Indonesia, ipinahayag kamakailan ng isang kinatawan ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) sa Indonesia, na sa taong ito, binigyan ng AIIB ng 2 bilyong dolyares na pautang ng konstruksyon ng imprastruktura, ang Indonesia. Aniya, ang naturang pautang ay gagamitin sa larangan ng pampublikong imprastruktura na gaya ng koryente, kalusugan, patubig, at pampublikong komunikasyon.
Sapul nang manungkulan si Pangulong Joko Widodo ng Indonesia, puspusang pinauunlad ng bansang ito ang konstruksyon ng imprastruktura, at pinasusulong ang kabuhayan.
Salin: Li Feng